Bebot na pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | August 21, 2023
AKLAN -- Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Camanci Norte, Numancia sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Grace Rembulat, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments