Bebot na pusher huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | November 18, 2022
QUEZON—Isang babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ilayang Ilam, Lucena City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jonalyn Calanon, 31-anyos, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay, kaya nadakip ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 66 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments