Bebot na pusher, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 11, 2021
CAPIZ—Isang babaeng drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Agkilo, Panitan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Queenie Again, residente ng Roxas City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Again ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 11 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments