Bebot na NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | April 29, 2023
CAMARINES NORTE—Isang babaeng miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa sa Bgy. North Poblacion, Jose Panganiban sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Ayon sa ulat, isinuko rin nito ang mga dala niyang subersibong dokumento.
Nais na umano niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong babae.



Comments