top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bebot na NPA, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 21, 2021


MASBATE—Inaresto ng awtoridad ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Bolo, Masbate City.


Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga operatiba ang NPA na nagngangalang Allan Goyala, alyas Ka Jake sa nasabing barangay, pero biglang pinagbabaril ng mga komunista ang mga awtoridad.


Nang gumanti ng putok ang mga awtoridad ay mabilis na tumakas ang grupo ni Goyala, pero naiwan ang babaeng NPA kaya agad itong inaresto ng mga operatiba.


Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga tumakas na NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page