Bebot na nambasted, tinepok
- BULGAR

- Feb 5, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 5, 2021
CAMARINES SUR—Isang babae ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang saksakin sila ng lalaki nabasted sa panliligaw kamakalawa sa Bgy. Binahan Upper, Ragay.
Nakilala ang nasawi na si Anna Rose Burce, 27-anyos, samantalang ang sugatan na ginagamot na sa ospital ay si Apple Jane Azuela, 30-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, natutulog sa kanilang kuwarto sina Burce at Azuela nang pumasok ang suspek na nakilalang lang sa alyas Charlie at agad pinagsasaksak ang dalawang biktima.
Nabatid na si “Charlie” ay manliligaw ni Burce na binasted ng dalaga kamakailan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments