Bebot na makakapunta sa canada at madadala ang pamilya next year
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| August 13, 2020

KATANUNGAN
Bago mag-lockdown, bandang January ay naipasa na namin ang mga papeles sa Canadian Embassy. Nag-apply kasi kami ng pamilya ko bilang immigrant at may tumutulong naman sa amin, ‘yung kapatid ng mister ko na naninirahan sa Canada dahil nakapag-asawa siya ng Canadian citizen.
Maestro, matutuloy ba kaming mag-anak sa binabalak naming pagi-immigrant sa Canada? Mula nang magkaroon ng pandemya, na-pending ang pagproseso ng mga papeles namin.
Naghihintay na lang kami ng ilang karagdagang papeles at kung papalarin ay makakaalis na kami at ‘yun ang gusto kong itanong sa inyo, Maestro, matutuloy ba talaga kami sa Canada?
KASAGUTAN
Sadyang may malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, malaki ang tsansa na matutupad ang pangarap mo para sa iyong sarili at pamilya na makapaninirahan sa Canada.
Ang pag-aanalisa na walang gaanong magiging hadlang sa binabalak n’yong pagi-immigrant ay madaling kinumpirma ng lagda mong simple lang, pero malalaki ang mga letra at salita at kapansin-pansing mabilis na sumibat patungong langit ang dulong bahagi ng letrang “s”. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang susunod na magaganap kung saan may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran, gayundin sa mga mahal mo sa buhay. Ito ay pinatunayan naman ng birth date na 23 o 5 (2+3=5) at destiny number na 5 ng iyong mister (5+20+1978=2003/ 20+03=23/ 2+3=5) kung saan may malaking pagbabagong magaganap sa karanasan ng inyong pamilya. Mula sa simpleng buhay dito sa Pilipinas patungo sa ganap na maaliwalas, malaya at masaganang buhay sa ibayong-dagat.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Grace, may isang kapana-panabik na pangyayaring itatala sa kapalaran n’yo ng iyong pamilya sa 2021. Base sa iyong mga datos, sa nasabing panahon sa edad mong 42 pataas, mauuna kang makapangibang-bansa at isa hanggang dalawang taon pa, makukuha mo na ang iyong pamilya upang sama-sama at masaya kayong maninirahan sa medyo tuktok na bahagi ng mundo na madalas umaambon-ambon at bumabagyo ng snow, walang iba kundi sa Canada.



Comments