top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bebot na kawatan nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 31, 2023



AKLAN—Isang babaeng notoryus na magnanakaw ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pook, Kalibo sa lalawigang ito.


Nakilala ang suspek na si Hannah Maatubang, 30-anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kasong nitong qualified theft.


Ayon sa ulat, maraming kaso ng pagnanakaw sa lalawigan ang suspek.


Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang tauhan ng pulisya si Maatubang na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong pinuntahan at inarest.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page