Bebot na kawatan arestado
- BULGAR
- Feb 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 19, 2023
NUEVA VIZCAYA—Isang babaeng magnanakaw ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion South, Solano sa lalawigang ito.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na Inday, nasa hustong gulang habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, pasalising pumasok si "Inday" sa bahay ng hindi pinangalanang biktima at kinuha ang shoulder bag na nakalagay sa ibabaw ng aparador.
Nabatid na palabas na ng bahay si "Inday" na dala ang shoulder bag nang makita ito ng biktima kaya agad humingi ito ng tulong sa mga awtoriad kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na siya ng kasong qualified theft.



Comments