Bebot na HVT sa droga, arestado
@Balitang Probinsiya | June 5, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang 19-anyos na dalagang high value-target (HVT) sa droga ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. 12, Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na nagsagawa sa drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga operatiba ng 50 gramo ng shabu, drug paraphernalia at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments