top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bebot na ex-convict, timbog sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 20, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang babaeng ex-convict ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. 2, Bacolod City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay nakilalang si Celeste Panaligan, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay agad na dinakip ang drug pusher.


Nabatid na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muling nagbenta ng shabu.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page