top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot na estapador, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 22, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang babaeng estapador ang dinakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Bata, Bacolod City sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Nabatid na dinakip ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.


Napag-alaman na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek at kamakalawa lang ito naaresto.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nabanggit na barangay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page