@Balitang Probinsiya | November 20, 2023
BATANGAS -- Isang babaeng drug dealer ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Alangilan, Batangas City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng pulisya.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ng babaeng drug dealer ay dito na agad dinakip ng mga otoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments