top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot na caretaker, nilikida

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 30, 2023


QUEZON—Isang babaeng caretaker ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Guisguis Talon, Sariaya sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Aiza Magboo, 34-anyos, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng bahay-kubo sa binabantayan niyang beach resort si Magboo ay sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Magboo.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page