top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bebot na bigtime tulak, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 06, 2023


BACOLOD CITY -- Isang babaeng bigtime drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tangub sa lungsod na ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Zenaida Samodio, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. 30 sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar nang pagbentahan nito ng shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer ng droga.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 97 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page