Bebot na bigtime tulak, arestado
- BULGAR
- Feb 8, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2024
NEGROS ORIENTAL -- Isang 36-anyos na babaeng bigtime drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Magatas, Sibulan sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Napag-alaman na ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ng babaeng bigtime drug pusher ay dito na dinakip ng mga otoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 504 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments