Bebot na bigtime, tulak arestado
@Balitang Probinsiya | February 14, 2021
Baguio City—Isang babaeng bigtime na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Campo Filipino.
Nakilala ang suspek na si Mary Grace Limjap, residente sa nabanggit na lungsod.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Limjap ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Limjap.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments