top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot na bagitong pusher arestado

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 29, 2022


CAMARINES NORTE—Isang babaeng bagitong drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Magang, Daet.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng babaeng drug pusher ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at siya ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page