Bebot na angkas, patay sa semplang
@Balitang Probinsiya | July 26, 2023
ILOILO — Isang dalagang nakaangkas ang namatay habang sugatan naman ang rider nito nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Igcabugao, Igbaras sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Zinah Galang habang sugatan naman si Emmanuel Salazar, kapwa 19-anyos, nakatira sa nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Salazar sa pagmamaneho habang angkas si Galang kaya sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.
Agad na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Galang.



Comments