Bebot, dedbol sa kidlat
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 25, 2023
CAMARINES SUR -- Isang babae ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa bukirin na sakop ng Bgy. Tarusanan, Milaor sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Sonia Petronio, nasa hustong gulang, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa bukid si Petronio, kasama ang kaibigan niya na si Mila Francisco, nang biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama sa biktima ay nagkaroon ito ng 3rd degree burns sa katawan.
Agad na humingi ng saklolo si Francisco sa mga residente at dinala sa ospital si Petronio, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments