top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bebot, dedbol sa karambola ng 3 sasakyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 15, 2021


CAMARINES SUR—Isang babae ang namatay at 14 pang katao ang sugatan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Port Junction, Ragay.


Nakilala ang nasawi na si Arlene Garcia, residente ng Bgy. Catabangan Proper sa naturang bayan, samantalang inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng 14 sugatan sa naganap na aksidente.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng Isuzu MUX kaya bumangga ito sa kasalubong na van, at sa lakas ng pagkakabangga ay natanggal ang gulong ng Isuzu at tumama ito sa motorsiklong kinalululanan ni Garcia.


Nabatid na dinala ng mga saksi si Garcia at ang 14 sakay ng Isuzu at van sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima.


Napag-alamang inihhanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injury at damage tio property laban sa driver ng Isuzu.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page