top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot binoga ng riding-in-tandem

BULGAR
Dec 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 15, 2022


COTABATO CITY—Sugatan ang isang babae nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion 6.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa likod ay nakilala lang sa alyas na Baican, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod.


Nabatid na nakaangkas umano si "Baican" sa motorsiklo nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang dalawang suspek.


Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page