Bebot binaril sa ulo, dedbol
@Balitang Probinsiya | October 29, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 38-anyos na babae ang namatay nang barilin sa ulo ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. 5, San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ma. Regina Bascones, residente ng Bgy. 2 sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Bascones ay biglang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang salarin, samantalang dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments