top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bebot at kelot, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 14, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang babae at isang lalaki ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Guinhalaran, Silay City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Michelle Oftana at Joshua Sunsay, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng droga ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng umano’y shabu, dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 14 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page