Bebot at 2 kelot, tiklo sa drug-bust
- BULGAR
- Aug 29, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 29, 2023
NUEVA ECIJA -- Isang babae at dalawang lalaki ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Mayapyap, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rebecca Gaudio, Orlando Gaudio at Jerwin Medina, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng droga ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng shabu ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang tatlong suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments