top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bebot, arestado sa marijuana

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 11, 2023


CAMARINES SUR -- Isang 18-anyos na dalaga ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Lucia, Magarao sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng mga awtoridad na si Jalen Solis, nakatira sa Bombon sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng marijuana ang dalaga kaya nagpanggap na buyer ng illegal drugs ang mga operatiba at nang pagbentahan, dito na agad dinakip ng mga awtoridad si Solis.


Nabatid na nakumpiskahan ang suspek ng isang pakete ng marijuana at markadong pera.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page