Beautician, timbog sa buy-bust
- BULGAR
- Dec 6, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 06, 2021
AKLAN--Isang beautician na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc. Malay.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Wiwi Alidon, 33-anyos at residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments