Beautician, arestado sa buy-bust
- BULGAR
- Aug 11, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 11, 2023
ALBAY -- Isang beautician ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cabangan, Camalig sa lalawigang ito.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Darwin Alberto, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.2 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments