Search
  • BULGAR

BB GANDANGHARI, IBINULGAR ANG PAGIGING “UNFAIR” NG ABS-CBN

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 30, 2020




Muli na namang nag-vlog si BB Gandanghari kung saan inamin niya ang mga pinagdaanan niya bilang si Rustom Padilla.


Inamin din ni BB na mas maraming pera noon si Rustom pero aniya ay mas masaya naman siya ngayon.


Naikuwento rin ni BB ang nakaraan nila ng kanyang kaibigang si Comedy Queen Ai Ai delas Alas.


Hindi rin daw niya akalain na magiging comedy queen ito. Akala rin daw ni Rustom ay papasukin siya sa kuwarto ni Ai Ai tuwing nagkakasama silang dalawa nang stand-up comedian pa lang ito.


Nabanggit din ni BB ang issue nila ni Johnny Manahan at pinangunahan na niya ang iisipin ng mga tao.


Aniya, “Ngayon sasabihin ng mga tao, si Johnny Manahan naman ngayon. No, it’s true. I’m just saying na mangyari ulit ‘yan sa akin, I will surely ask for an apology from the director and for ABS-CBN for letting it happen.”


Aniya pa, “racist” ang comments ni Johnny. Buwelta pa niya kay Johnny, “Kung ginanyan ninyo si Rustom noon, gusto n’yo manukso ako ngayon? Gusto n’yo tuksuhin ko ‘yung mga talent n’yo, ha Johnny Manahan?


“I think alam mo na that time asawa ni Rustom si Carmina (Villaroel).”


Grabe raw ang ibinigay nilang past kay Rustom na hindi na nabigyan ng pagkakataong

mangatwiran at lahat ng gawin ay mali.


Sey din ni Rustom, kung sa America raw nangyari ang diumano’y racist comments ni Johnny, sigurado raw na matagal nang sarado ang ABS-CBN Network.


Aniya, “Look what happened to them. Hindi ko sinasabing that’s good for you pero… meron din kayong mga unfair na ginawa. You were irresponsible. Meron kayong tinapakang tao at si Rustom Padilla ‘yun.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.