Search
  • BULGAR

BB, GAMIT NA GAMIT SI CARMINA PARA KUMITA ANG YOUTUBE CHANNEL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 24, 2020




Walang maaasahang reaction mula kay Carmina Villaroel sa latest emote ng kanyang ex-husband na si BB Gandanghari na si Carmina pa rin ang kanyang gustong balikan sakaling siya ay magbalik muli bilang si Rustom Padilla.


Pagkatapos mag-ingay ni BB sa kanyang vlog sa YouTube laban kay Vice Ganda na tinawag niyang bobo at walang utak, heto at ang nananahimik na si Carmina naman ngayon ang kanyang binubulabog upang mapansin ng publiko.


Maliwanag na ginagamit ni BB ang dating asawa. For sure, deadma at hindi na lang magre-react si Carmina, maging si Zoren Legaspi, sa mga drama ngayon ni BB.


Gusto lang makakuha-makahatak ni BB ng manonood sa kanyang vlog kaya ginagamit niya si Carmina. Nawalan na kasi siya ng career simula nang umamin at lumantad siya sa kanyang tunay na gender.


Wala naman sanang problema kung nagpakatotoo siya sa kanyang sarili. Medyo sumobra lang kaya marami ang na-turn-off sa kanya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.