Bayaw, dinedbol ng chairman
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 8, 2024
CAPIZ -- Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng kanyang bayaw na barangay chairman kamakalawa sa Brgy. Carataya, Maayon sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan na si Edwin Tabotabo, 45, samantalang ang suspek ay si Chairman Mario Bornales, nasa hustong gulang, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Tabotabo at Bornales na humantong para maglabas ng baril at saka barilin ng salarin ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments