top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bayanihan 3, malaking tulong para sa unti-unting pagbangon ngayong 2021

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2021
1 min read

@Editorial | February 9, 2021



Isinusulong ngayon sa Kongreso ang P420 bilyong pondo para sa Bayanihan 3, na inaasahang makatutulong sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Layon umano ng House Bill 8628 o “Bayanihan to Arise As One Act”, na matulungan ang gobyerno na maabot ang recovery target nito nga­yong taon.


Nakapaloob sa P420 billion appropriation sa Bayanihan 3 ang P52 billion subsidy sa maliliit na negosyo para sa sahod at iba pang worker-related expenses; P100-B sa capacity-building ng mga negosyo na nasa kritikal na kondisyon at P108-B karagdagang social amelioration sa mga pamilyang sobrang naapektuhan ng pandemic.


Maglalaan din ng P70-B tulong sa mga magsasaka, mangingisda at livestock producers; P30-B sa cash-for-work program; P30-B para sa internet allowance ng mga estudyante at titser.


May P5-B din para sa pagpapagawa ng mga imprastrukturang winasak ng kalamidad at P25-B para pambili ng gamot at bakuna kasama ang gastos sa logistics at information awareness campaigns.


Kung maaaprubahan ang nasabing panukala at maipamamahagi nang maayos at magagamit nang matalino, tiyak na malaki ang maitutulong nito sa unti-unting pagbangon mula sa epekto ng pandemya.


At siguro naman ay natuto na tayo mula sa Bayanihan 1 at 2, kung paano magiging maayos ang sistema mula sa pagba-budget hanggang sa pamimigay.


‘Ika nga, hangga’t may mapagkukunan ng pondo, tuloy lang. Wala namang ibang matatakbuhan ang mamamayan, kundi ang gobyerno at ganundin ang gobyerno na nakadepende rin naman sa tao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page