top of page
Search
BULGAR

Batas kontra 'kamote' drivers

by Info @Editorial | August 4, 2024


Editorial

Makatarungan nga bang ikulong at kasuhan ang responsableng drayber kahit ang ‘kamote’ driver ang may kasalanan sa insidente?


Ito ang tanong na inaasahang mabibigyan ng linaw sa pamamagitan umano ng isang panukalang batas.


Inihain ni House Deputy Majority Leader at PBA Partylist Rep. Margarita Nograles ang panukalang Anti-Kamote Driver Law (House Bill 10679) na mag-aamyenda sa Article 124 ng Revised Penal Code upang mailigtas umano ang mga drayber mula sa parusa kung hindi naman nila kasalanan ang insidente.


Sa ilalim ng panukala, ang mga driver na nasangkot sa aksidente ay hindi dapat arestuhin o ikulong kung agad nitong mapatutunayan na wala siyang kasalanan. 


Kasama sa mga maaaring gamiting ebidensya ay ang kuha ng dashcam, CCTV recording, at iba pang video o photographic proof na nagpapakita na sumusunod ito sa batas at ang aksidente ay dulot ng isang pasaway na drayber.


Batid naman natin na hindi lahat ng drayber ay may kakayahang kumuha ng abogado o makapagpiyansa.


Napakasaklap na ikaw na nga ang binangga, ikaw pa ang makukulong. 


Isa sa binanggit na insidente ang kaso ng isang lasing na motorcycle rider na nag-counterflow sa Skyway Stage 3 at bumangga sa kasalubong na Asian Utility Vehicle na nagresulta sa pagkamatay nito. Ang nangyari, ang drayber ng AUV, na sugatan din, ay ikinulong kahit na siya ang nasa tamang daan.


Sana ay mapag-aralang mabuti ang panukala lalo’t marami ang tila nakaka-relate sa ganitong senaryo.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page