top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Batang lalaki patay sa sagasa ng kotse

  • BULGAR
  • Oct 27, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 27, 2022


PALAWAN—Isang 3-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng kotse kamakalawa sa Bgy. Calasaguen, Brooke's Point.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.


Ayon sa ulat, naglalaro umano sa gilid ng kalsada ang biktima nang bigla itong tumawid, kaya nasagasaan ng kotseng minamaneho ni Jem Dagunan, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Kaagad namang dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Nahaharap si Dagunan sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page