top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Batang lalaki, natagpuang patay sa palaisdaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 06, 2022


NUEVA ECIJA—Isang batang lalaki ang natagpuang patay habang nakalutang sa palaisdaan kamakalawa sa Brgy. Concepcion, Cabiao.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktimang edad 8, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing palaisdaan.


Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naglalaro malapit sa palaisdaan.


May hinala ang mga awtoridad na nahulog ang biktima sa palaisdaan at hindi ito marunong lumangoy kaya nalunod at namatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page