top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Batang lalaki, nasagasaan ng trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 05, 2021


SARANGANI--Isang batang lalaki ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng trak na umaatras kamakalawa sa Bgy. Paraiso, Alabel.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na isang taong gulang pa lamang at residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang iniaatras ni Renante Unday, 25-anyos ang minamaneho niyang trak ay aksidenteng nasagasaan niya ang bata.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung bakit napunta sa likurang bahagi ng trak ang biktima gayung hindi pa naman ito naglalakad dahil 1 taong gulang pa lamang ang bata.


Nakapiit na si Unday na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page