Batang lalaki, nalunod sa sapa
@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2024
BACOLOD CITY -- Isang11-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod kamakalawa sa sapa na sakop ng Brgy. Purok Seawall, Brgy. Punta Taytay sa lungsod na ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na naligo sa sapa ang biktima, kasama ang dalawa niyang kaibigan hanggang magawi sa malalim na bahagi ng tubig kaya ito nalunod.
Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang bata na lumubog sa sapa.
Makalipas ang may isang oras ay lumutang ang biktima kaya dinala ito ng mga residente sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments