top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Batang lalaki, nalunod sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 23, 2021


CAPIZ—Isang 11-anyos na batang lalaki ang nalunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Salocon, Panitan.


Ang biktima ay kinilala lang ng pulisya sa pangalang “Debdeb”, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, naligo umano si “Debdeb” sa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan, pero napagawi umano ito sa malalim na bahagi ng tubig kaya nalunod.


Nabatid na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan sa ilog ang biktima.


Napag-alamang dumating na rin ang rescue team ng lokal na pamahalaan at patuloy pang hinahanap sa ilog ang nalunod na biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page