top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Batang babae todas sa SUV

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 29, 2022


RIZAL—Isang 12-taong gulang na batang babae ang namatay nang aksidenteng mabangga ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa national highway ng Bgy. Pinugay, Baras.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Nicole Lejano, residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Lejano ay aksidente itong nabangga ng SUV na minamaneho ni James Roldan, nasa hustong gulang.


Napag-alamang nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima dahilan kaya ito namatay.


Kusang sumuko naman sa pulisya si Ronald na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page