top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Batang babae, tepok sa sunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 10, 2023


LAGUNA -- Isang 7-taong gulang na batang babae ang nasawi sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Caingin, Sta. Rosa City sa lalawigang ito.


Dahil menor-de-edad ang biktima, hindi na ito pinangalanan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa squatter area sa nasabing barangay at dahil gawa lang sa light materials ang mga kabahayan ay mabilis na kumalat ang apoy na nadamay sa nasunog na tahanan ng pamilya ng bata na siyang ikinamatay nito.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nasa 100 bahay ang natupok sa nasabing lugar.


Makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy at sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog nabanggit na lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page