top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Batang babae patay sa sunog

  • BULGAR
  • Nov 19, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 19, 2022


GENERAL SANTOS CITY—Isang 6-taong gulang na batang babae ang namatay sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Lagao.


Kinilala ang biktima na si Cassie Pantinople, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilyang Pantinople, kaya tumawag sila ng mga bumbero at nang maapula ang apoy ay natagpuan ang sunog na bangkay ng bata.


Nabatid na wala sa kanilang tahanan ang mga magulang ng biktima nang maganap ang sunog.

Iniimbestigahan na ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog sa bahay ng pamilya ng Pantinople.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page