Batang babae, patay sa multicab

@Balitang Probinsiya | December 26, 2020
CAPIZ—Isang 9-anyos na batang babae ang namatay nang aksidenteng mabangga ng multicab kamakalawa sa Bgy. Atiplo, Mambusao.
Sa kahilingan ng pamilya, hindi na pinangalanan ang biktima.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng multicab na minamaneho ni Marve Dumulong kaya aksidenteng nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa malaking sugat na tinamo sa ulo.
Nakapiit na si Dumulong na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa driving under the influence of liquor.



Comments