top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Batang babae, ni-rape ng 2 kelot

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 22, 2021



ILOILO—Isang 12-anyos na batang babae ang ginahasa ng dalawa niyang bagong kaibigang lalaki kamakalawa sa bayan ng Mina.


Ang biktima ay itinago ng pulisya sa pangalang “Liza”, nakatira sa nabanggit na bayan.


Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga suspek hangga’t hindi pa sila nadadakip ng mga operatiba.


Ayon sa pahayag ng biktima, dumalo siya sa birthday party at dito niya nakilala ang dalawang lalaking kapwa nasa pagitan ng 18-20 ang edad na nakipagkaibigan sa kanya, hanggang sa inaya siya sa bahay ng isa sa mga suspek at dito siya halinhinang ginahasa.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page