top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Batang babae, nalunod sa ilog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 6, 2020



ALBAY—Patay ang 13-anyos na batang babae nang malunod sa ilog na sakop ng Bgy. Lourdes, Polangui.


Ang biktima ay kinilalang si Babylyn Hastre, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nagkaayaan si Hastre at ang kanyang mga kaibigan na maligo sa Agos River sa nasabing barangay.


Nabatid na habang naliligo ay napagawi si Hastre sa malalim na bahagi ng ilog kaya nalunod ang biktima.


Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page