top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bata, natagpuang patay sa dagat

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 3, 2023


SORSOGON – Isang batang lalaki ang natagpuang patay, kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Tabunan, Matnog sa lalawigang ito.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, na tinatayang nasa pagitan ng 8-12 ang edad.


Nabatid na ilang mangingisda ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing karagatan.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, posible umanong naligo sa dagat ang biktima at tinangay ng alon kaya nalunod.


Panawagan ng pulisya sa sinumang may nawawalang kamag-anak na batang lalaki na magtungo sa kanilang tanggapan para kilalanin ang biktima na sa kasalukuyan ay nasa punerarya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page