Basurero, dedbol sa kuryente
@Balitang Probinsiya | October 14, 2023
ILOILO -- Isang basurero ang namatay nang makuryente sa basurahan kamakalawa sa Bgy. Ungka 2, Pavia sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Alegre, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang naghahakot ng basura si Alegre ay napahawak ito sa isang live wire na malapit sa basurahan sa naturang lugar.
Napag-alaman na dahil sa lakas ng kuryenteng tumama kay Alegre ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa buong katawan.
Agad dinala ng mga residente si Alegre sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments