top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Basurero, binugbog ng 4 kelot

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 16, 2020



CAMARINES SUR—Isang basurero ang binugbog ng apat na hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Dayangdang, Naga City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Cadano, 38-anyos at nakatira sa Bgy. Cararayan sa naturang barangay.


Batay sa imbestigasyon, habang namumulot umano ng basura si Cadano ay biglang sumulpot ang puting sasakyan at isinakay dito ang biktima saka pinagtulungang bugbugin.


Ayon sa biktima, matapos siyang bugbugin ay ibinaba siya ng mga suspek sa Bgy. Concepcion Pequena sa nasabing lungsod.


Sinabi ni Cadano na wala siyang alam na kagalit para bugbugin siya ng mga suspek, samantalang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala at madakip ang apat na lalaking nanggulpi sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page