Barbero, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | July 2, 2023
AKLAN -- Isang barbero ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Balabag, Malay, Boracay Island sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gerome Gargoles, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na bayan.
Sa ulat, nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na dating nakulong sa kasong illegal drugs si Gargoles at nakalaya lamang ito sa pamamagitan ng piyansa.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments