Barangay treasurer nilikida ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | Oct 18, 2021
ANTIQUE--Patay ang barangay treasurer nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa bayan ng San Jose.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Servano, nasa hustong gulang at barangay treasurer ng Bgy. Del Pilar, Hamtic sa naturang lalawigan.
Napag-alamang naglalakad umano si Servano nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek, samantalang dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek



Comments