Barangay chairman, tinodas ng tandem
@Balitang Probinsiya | May 10, 2023
ALBAY—Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Magallang, Libon sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Chairman Oscar Maronilla, 69, residente ng Bgy. San Pascual sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, lulan umano si Maronilla ng isang tricycle nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Maronilla.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments